Destiny's Child

Ang Destiny's Child (minsan tinatawag ding bilang DC o DC3) ay dating isang grupong babaeng mang-aawit ng R&B at pop na binubuo ng pangunahing mang-aawit na si Beyoncé Knowles, Kelly Rowland at Michelle Williams. Ang grupo ay naglabas ng apat na pangunahing mga studio album at apat na US number-one na single, at, kinabilangan ng mga solong paglabas, na kumita ng mahigit sa 50 milyon mga rekord sa buong daigdig, kung saan ang mahigit 17.5 milyon nito ay mula sa. Ayon sa World Music Awards, sila ang pinakabentang grupong babae ng lahat ng panahon. Nirangguhan ng Billboard magazine ang grupo bilang isa sa pinakamagaling na grupong triong musikal ng lahat ng panahon. Nabuo noong 1990 sa Houston, Texas, nagsimula ang pagkahilig sa musika ng mga kasapi ng Destiny's Child nang sila ay magdadalaga pa lang bilang isang grupo ng anim na kasapi sa ilalim ng pangalang Girl's Tyme. Pagkatapos ng ilang taong mga pinagdaanan, sila ay lumagda sa Columbia Records at binago ang kanilang pangalan. Ang kanilang unang album na pinamagatan sunod sa pangalan ng grupo ay medyo naging matagumpay, subalit nang ilabas ang The Writing's on the Wall, ang ikalawang studio album noong 1999, ang nagpakilala sa grupo na may mga singles na "Bills, Bills, Bills", "Bug a Boo" at "Say My Name". Ngunit, kahit na sila ay naging matagumpay, ang grupo ay hindi pa rin nakaiwas sa mga hindi pagkakaunawaan sa isa't isa at mga kaguluhang legal, dahil sa kasaping si LaTavia Roberson at LeToya Luckett na ninais na tanggalin bilang tagapamahala ng grupo (at ama rin ni Knowles) na si Matthew Knowles, na sinasabing may paboritismo ito kanina Knowles at Rowland. Hindi naglaon ay pinalitan sila ni Williams at Farrah Franklin; subalit noong 2000, si Franklin ay umalis din sa grupo, at nagpatuloy na lang sila bilang trio. Ang kanilang ikatlong album, ang Survivor, na ayon sa publiko ay naglarawan ng kanilang mga karanasan, na kinabilangan ng mga awit na sumikat sa buong mundo tulad ng "Independent Women" at "Bootylicious". Noong 2002, ang Destiny's Child ay nagpahay na sila ay maghihiwalay na kinapalooban ng mga proyektong solo; ang kanilang paghihiwalay ang naging daan upang sila ay naging matagumpay bilang solong artista. Sila ay nagsamang muli upang irekord ang kanilang huling album, ang Destiny Fulfilled, at nagretiro upang ipursige ang kanilang mga solong karera sa musika, teatro, telebisyon, at pelikula.


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search